Biyernes, Marso 9, 2018

KABANATA X: KAYAMANAN AT KAGUSTUHAN

I. TAUHAN

Simoun- Siya ay sikat na magaalahas na nakituloy kina kabesang Tales. Tinanong niya si kabesang Tales kung mayroon ba siya alahas na ipabili kaya naungkat nila ang laket ni Maria Clara na nasa pangangalaga ni Juli na ibinigay ni Basilio. Kaya nais talaga ni Simoun na mabili ang laket ni Maria Clara.

Kabesang Tales- Siya ang ama ni Juli, siya din ang may ari ng bahay na pinatilian ni Simoun. 

Sinang- Kaibigan siya ni Juli at siya ang bumili ng hikaw kay Simoun.

Kapitana Tika- Siya ay bumili ng relikanong may maliit na Hesus kay Simoun.

Basilio- Siya ay bumili ng tanikala para sa relo ng alferez, hikaw para sa curate at iba pang mga regalo.

Hermana Penchang

Kapitan Basilio

II. Maikling Buod


   Si Simoun ay nakitulot kina Kabesang Tales, marami ang nagtataka kung bakit nandoon nakituloy si Simoun kina Kabesang Tales. Natagpuan niya doon sina Kapitan Basilio, Hermana Penchang, Kapitana Tika at Sinang. Puno ng papuri ang mga alahas ni Simoun, marami ang namangha dahil sa pagkaningning ng mga alahas. Bumili naman sila agad nito, Tinanong ni Simoun si Kabesang Tales kung may ipagbibili. Naalala agad ni Kabesang Tales ang agnos ni Maria Clara na inaalagaan ni Juli. Nais itong bilhin ni Simoun ngunit hindi ibinigay ni Kabesang Tales dahil hihingi pa sya ng pahintulot kay Juli, kaya naisipan niyang puntahan si Juli. Habang naglalakad si Kabesang Tales papunta kay Juli ay nakira niya ang prayleng tagapangasiwa at ang bagong kasama at kabiyak nito na bagong magsasaka kaya ito din ang dahilan kung bakit hindi siya nakapunta kay Juli. Nabalot ang damdamin ni Kabesang Tales ng poot at galit kaya kinuha niya ang rebolber ni Simoun, gumawa siya ng liham na humihingi siya ng paumanhin sa pagnakaw niya ng rebolber at ang kapalit naman nito ay ang agnos ni Maria Clara. Kinabukasan nabalitaan na sa kanilang bayan ang pagkapatay ng prayle sa lupain ni Kabesang Tales.

III. PAGSUSURI PANGLALAMAN

a. Lugar 


Sa bahay ni kapitan tiyag- Dito nakituluyan si Simoun dahil malapit ito sa San Diego at Tiani na siyang pagmumulan ng kanyang mga mamimili.


b. Panahon

Araw ng Pasko (Disyembre 25)- Kung saan ito rin nag araw ng pagbibigay ng regalo.


c. Suliranin

Ang suliranin sa kabanata na ito ay tungkol sa kahirapan at hustisya para kay Kabesang Tals, Makikita mo sa kabanata na ito kung gaano ka gusto ni kabesang Tales na maibalik ang kanyang lpa at mailigtas si Juli sa pagiging katulong.


d. Isyung Panlipunan


Ang isyung panlipunan sa kabanata na ito ay ang paghahanap ng hustisya ngunit sa maling pamamaraan maihangtulad ito sa ating isyu sa bansa. Maraming ang gumagamit ng druga, naabuso dahil sa druga at kasamaan dulot ng druga. Kaya marami din ang nagnanais na sugpuin ito, ngunit sa malinis na pamamaraan. Ang "extrajudicial killings" ay hindi magandang pamaraan ng pagsugpo ng druga at makamit ang hustisya sa mga namatay. May mga ibat'ibang mga pamamaraan upang masugpo natin ang katiwalian sa druga. Kung gagamitan mo ng dahas ang tao gumagamit ng druga ay parang hindi mo sila binibigyan ng pagkakataon ng magbago. Bawat isa sa atin dito ay may Karapatan na ipaglaban ang sarili at Karapatan na mabuhay kahit gaano pa kasama ang kanilang nagawa sa atin.

IV. ARAL


Ang makukuha natin na aral sa kabanata na ito; Una, maraming mga pamamaraan sa pagkamit ng hustisya. Ang pagkamit sa maling pamamaraan--pagpatay o pagtapak ng katauhan ng isang tao ay hindi kailanman nagtatagumpay. Pangalawa, maibibili ng pera ang kasiyahan at pagmamahalan sa araw ng pasko, ang pinakamagandang regalo sa pasko ay hindi isang materyal na bagay kundi ang pagkaroon ng buo at maligayang pamilya. Panghuli, hindi dapat tayo nagpapadala sa ating mga emosyon-galit, poot, at pagkalungkot, dahil hindi maganda ang patutunguhan nito kaya dapat muna natin guminhawa ng malamin at kalmahin ang sarili bago gumawa ng mga bagay na maari natin pagsisihan sa huli. Laging tatandaan na ang lahat na bagay na iyong gagawin masama o maganda mn ito ay may katumbas itong kapalit.